Ang Paglisan
Ni: Josiah Fleming Butag
Masaya ako sa aking pagpanaw
At ang mga ginawa ko ay maikikintal
Sa maraming sumusuporta sa’kin
May pagakakataon na ako’y nadadapa
Ngunit sa panahon ng pagtatagumpay ko
Ay hindi sila lumisan.
Ngunit anong nangyari?
Bumagsak ako na walang malay
At sa pagmulat ng aking mata
Ay nasa isang paraiso na
Hindi ko maipaliwanag
Ito ang aking kinahantungan
at sa mga susunod na henerasyon
ay babangon muli ako!